Nakasalang na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng mga benepisyo ang mga opisyal ng barangay sa kanilang pagreretiro.
Tinatalakay ngayon ng House Committee on Local Government ang HB 4358 (“An Act granting retirement benefits to all elective Barangay officials and appropriating funds therefor”) na inakda ni Pampanga Rep. Joseller “Yeng” M. Guiao.
“My proposal is meant to give due recognition to barangay officials who often give the best years of their lives to public service,” pahayag ni Guiao.
Batay sa panukala, ang barangay chairman ay pagkakalooban ng P15,000 sa bawat taon ng kanyang serbisyo. Samantala, ang mga konsehal ay tatanggap ng P10,000 sa bawat taon ng kanilang serbisyo, bilang retirement benefits.
(Bert de Guzman)