Karla Estrada copy

HABANG nalalapit ang huling episode ng KrisTV (sa Marso 23), kumalat ang tsikang si Karla Estrada ang magiging host ng bagong programang ipapalit sa timeslot na iiwanan ni Kris Aquino.

Timing kasi na pumirma si Karla ng kontrata sa ABS-CBN at since okay rin siyang talk show host, ito kaagad ang kumalat na isyu.

Sa contract signing ng tinaguriang mother queen ng teen king na si Daniel Padilla, ito ang itinanong sa kanya ng ABS-CBN news.

BALITAnaw

9/11: Ang pinakamadilim na pag-atake sa kasaysayan ng Amerika

“Tigilan natin ‘yan, hindi totoo ‘yan. Ang hilig-hilig n’yo (reporters) kasing manguna. Oo, bakit hindi ninyo i-try maging manghuhula na lang?” tumatawang sagot ni Karla.

“Walang nakakarating sa akin (na tsika),” dagdag pa niya, “at saka hindi mapapalitan si Mareng Kris dahil napakagaling nu’n, walang makakapantay du’n, kanya-kanya tayong style. So, Kris Aquino is Kris Aquino.

“My God, hindi nga sumagi sa isip ko ‘yan, nakakaloka kayo!” sabing nandidilat sa mga kausap.

“I think she deserves it kasi masyado na rin siyang matagal, kaya kailangan niya talaga ng pahinga dahil sakitin nga si Mareng Kris.

“So, alam mo, matalino naman siyang tao, eh. Kaya kung anuman ang maging desisyon niya, matalino naman siyang tao kaya alam niyang lahat na tama ‘yun para sa kanya saka para sa mga anak niya.”

Paano kung i-offer nga sa kanya ang nasabing timeslot?

“Ah, hindi ko alam kasi late ako magising, baka hindi mapunta sa akin, ha-ha-ha,” natawang sagot ng queen mother ni Daniel.

“Sa mga offer-offer, wala itong kinalaman sa kahit kanino, ‘no. Ano ba kayo, ngayon nga lang dumating (ang kontrata ng ABS-CBN), kung makabahid naman kayo.

“Bigyan muna natin ng chance ang lahat na makahinga, bigyan ng chance na magpasaya. Tingnan natin kung saan puwedeng magpasaya, hindi naman lahat ng nakikita ay puwedeng ipalit doon (KrisTV). Tulad ng sinabi ko, kanya-kanya kaming style. Kaya sana ‘wag nating patulan ‘yang mga sinasabi ng chororot (tsismosa),” pagtatapos ni Karla.

Samantala, magkakaroon ng Mother’s Day concert si Karla na may titulong Her Highness sa KIA Theater, Araneta Center produced ng Cornerstone Concerts at maraming guests.

Bongga si Mother Queen, concert queen na rin! (REGGEE BONOAN)