Mahigpit ang pagmamanman ngayon sa mga empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa sunud-sunod na reklamo ng pagnanakaw umano sa mga bagahe ng pasahero.

Ito ay matapos maaktuhan din ng airport police ang isang bag handler habang nagnanakaw sa isang check-in baggage ng isang pasahero na patungong Puerto Princesa City, Palawan, nitong Lunes.

Kinilala ni NAIA Terminal 3 Airport Police chief Capt. Timoteo “Tim” Cruz ang suspek na si Milo Mapunga, 29, na natiyempuhan ng isang security guard habang kinukuha ang isang bagahe sa conveyor nang walang kaukulang pahintulot.

Nang sitahin, hindi na nakapalag si Mapunga at agad na sumuko sa airport police habang bitbit ang kanyang ninakaw na bagahe.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bukod sa paghahain ng kasong theft laban sa kanya, inirekomenda rin ng airport authorities na sibakin si Mapunga sa serbisyo at kumpiskahin ang lahat ng access pass niya sa pasilidad. (Ariel Fernandez)