Nangailangan ang University of Perpetual Help Altas ng dagdag na limang minuto para malagpasan ang determinadong Philippine Merchant Marine School Mariners, 62-58, nitong Linggo sa semi-final ng 12th Fr. Martin Cup Collegiate Open basketball tournament, sa Far Eastern University gym sa Morayta, Manila.

Kumubra si Bright Akhuetie ng 13 puntos, tampok ang dalawang krusyal na basket sa huling dalawang minuto ng overtime para gabayan ang Altas sa panalo at maisaayos ang winner-take-all title showdown kontra Arellano University Chiefs.

Nanguna sa Chiefs si Jiovani Jalalon sa natipang 25 puntos tungo sa 77-73 panalo laban sa Manuel L. Quezon University Stallions para makopo ang puwesto sa winner-take-all duel.

Magtutuos ang Altas at Chiefs sa ganap na 9:00 ng umaga sa Sabado, sa St. Placid gymnasium ng San Beda sa Mendiola, Manila.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We were just lucky. We did not start well. It was a tiring game,” sambit ni Altas coach Nic Omorogbe.