Ipinasa ng tatlong komite ng Kamara ang panukalang nagtatatag sa “National Vision Screening Program for Kindergarten Pupils” upang mapigilan ang pagkabulag ng mga bata.

Ang House Bill 6441, ipinalit sa HB 5190 na inakda ni Rep. Kimi S. Cojuangco (5th District, Pangasinan), ay pinagtibay ng House committee on Basic Education and Culture, Appropriations, at Ways and Means.

“Vision screening is a fast and cost-effective means of checking children’s vision. With the program, we can identify those to be referred to eye care professionals. Governments in many countries have implemented vision-screening programs. It is time that we have our own,” diin ni Cojuangco. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni