Vivian copy

“WITH much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the show, Tubig at Langis. I have never been so upset and humiliated by an actress in my entire career spanning four decades!” 

Ito ang umaalingawngaw na post ni Ms. Vivian Velez sa kanyang Facebook account kahapon, 1:35 PM.

Kamakailan ay nag-post si Vivian ng, “I’ve been in the industry for such a long time, worked with the biggest stars and I can say that I’ve come full circle. UGH. I have never encountered such a prima donna #asalqueen.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kasamahan niyang aktres sa Tubig at Langis ang pinatutungkulan niya dahil hindi na raw niya kinakaya ang ugali. 

Nang mabasa ito ng taga-production, pinakiusapan si Vivian na burahin ang post at pag-usapan na lang daw na sinunod naman ni Ms. Body Beautiful.

Pero kahapon, mukhang hindi na kinaya ni Ms. Body Beautiful ang ugali ng nasabing aktres kaya nauwi na ito sa resignation.

Papayagan kaya ng produksiyon na mag-resign si Vivian gayong malaki na ang nai-contribute niya sa Tubig at Langis para kampihan ang aktres na hindi maganda ang trato sa kanya?

Tsika ng spy namin sa naturang produksiyon, “Malakas kasi si _____ (aktres) kasi bida siya at siyempre sino ang kakampihan, ang bida o ang supporting lang?” (REGGEE BONOAN)