MARIA AT CESAR copy

NAGING viral sa social media at trending maging sa traditional media ang pambubuking ng Japanese porn star na si Maria Ozawa na nagkaroon sila ng one-night stand ni Cesar Montano nang mainterbyu siya sa Good Times With Mo a few days ago with radio host Mo Twister. May mga blog at website nang naglabas ng video ng “podcast” at excepts ng naturang interview.

Kaya ito na ang usap-usapan sa lahat ng dako, pumalit sa kontrobersiyal na isyu ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa LGBT community.

Sa nasabing interbyu ay nagkuwento si Maria Ozawa na naganap ang one-night stand noong sinusyuting nila ang pelikulang Nilalang na naging entry sa nakaraang MMFF 2015.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sari-saring negative comments naman ang naging reaksiyon ng mga tao.

Karamihan, nagsasabi na hindi na dapat pang binulatlat sa publiko ang kanilang private affair.

Dismayado umano si Maria sa natatanggap na pamba-bash dahil sa kanyang ginawang pagsasalita. 

Kaya pala biglang kambiyo ito sa kanyang social media account at binabawi ang kung anumang mga nasabi niya tungkol sa kanila ni Cesar.

Usap-usapan ng mga katoto, baka raw kinausap siya ni Cesar at ipinabawi ang naging pahayag niya tungkol sa kanilang ginawa. Oo nga naman, baka maging dahilan ito ng pag-aaway nina Cesar at ng kinakasama nito sa ngayon. O ‘di kaya’y 

malaking dagok ito sa annulment case with Sunshine Cruz na kasalukuyan pa ring dinidinig sa korte.

Sa social media account ni Maria Ozawa, aniya’y naging playful lamang daw siya sa isyu.

Sa Twitter, playful nga siya sa post na ito: “Omg now people are asking me for the ‘hello sex’!! Hahaha!! Grabe talaga! Good times with @djmotwister. It was j/k nalang.” (Ador Saluta)