VIVIAN copy copy

KUNG sinuman ang aktres na nakapagpa-init ng ulo ni Vivian Velez ay tiyak na markado na sa veteran actress or better humingi na siya ng dispensa.

Habang nasa shoot ng teleserye si Vivian noong Martes ng gabi sa Bustos, Bulacan ay nag-post siya nito sa kanyang Facebook account:

“I’ve been in the industry for such a long time, worked with the biggest star and I can say that I’ve come full circle. UGH. I have never encountered such a prima donna #asalqueen.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Inulan ng tanong si Vivian kung sino ang aktres na tinutukoy niya at dapat daw ay malaman nito ang kinalalagyan niya dahil very professional at inirerespeto sa industriya si Ms. Body Beautiful.

Alam naman ng lahat na Tubig at Langis ang seryeng ginagawa ni Vivian at sina Cristine Reyes at Isabelle Daza ang pangunahing bida, kaya sino sa dalawa ang pinatatamaan ng una.

Matatandaang may record na si Cristine noon sa pagiging pasaway, pero simula nu’ng magkaroon ng asawa at anak ay sinabi niyang nagbago na siya.

Baka naman si Isabelle dahil may hashtag na ‘asalqueen’ na alam naman ng lahat na dating beauty queen ang mommy niyang si Gloria Diaz.

Bale ba, mukhang may gap ang mag-inang Gloria at Isabelle dahil hindi pa ibinibigay ng una ang blessings sa pag-aasawa ng anak sa French boyfriend nito na si Adrien Semblat. (Reggee Bonoan)