Coco Martin and Onyok copy real

NAKISAYA at nagpadama ng taos-pusong pasasalamat ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano para sa tagumpay ng nangungunang primetime series sa dalawang milyong turistang dumalo sa katatapos na Panagbenga Festival sa Baguio City.

Naglibot sina Coco Martin, Maja Salvador, Xymon Pineda, at Pepe Herrera sakay-sakay ng Ang Probinsyano float at nakipagdiwang sa mga Kapamilyang tagasubaybay ng aksiyon-serye. Inabangan din ng 30,000 fans ang performance ng mga bida ng serye sa Burnham Lake Drive.

Ang nakakatuwa pa, dumalaw at namahagi ng ilang biyaya si Coco sa mga Kapamilya sa Brgy. Irisan bilang tulong sa pamumuhay ng mga residente roon.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Samantala, hindi bumibitiw ang televiewers sa laging mainit na mga tagpo sa Ang Probinsiya. Nailigtas na ni Cardo (Coco) si Trina (Anne Curtis) mula sa kamay ni Roberto (Nonie Buencamino), pero hindi pa rin nila alam ang motibo ng paghihiganti ng huli sa amain ng fashion designer na si Michael (Christopher de Leon). Minabuti ni Cardo na patuluyin na muna sa kanilang tahanan si Trina upang masiguro ang kaligtasan nito. Inaabangan ng viewers kung magiging daan ito para magkamabutihan sina Cardo at Trina.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi pagkatapos sa Primetime Bida ng Dos. (ADOR SALUTA)