JAMES AT NADINE copy

HINDI na talaga maitago ni James Reid ang nararamdaman niya kay Nadine Lustre. Dati-rati, iniiiwas niya ang mga sagot niya tuwing tinatanong siya kung ano ang relasyon nila ng leading lady niya.

Simula nang aminin nina James at Nadine sa exclusive interview sa kanila nina Robi Domingo at Gretchen Ho na opisyal na silang mag-boyfriend noong Pebrero 11, nag-post si Nadine sa kanyang Facebook account ng litratong nakaakbay sa kanya si James na may hawak na wine glass at may caption na, “02.11.16”

“Happiest man in the world” naman ang caption ni James sa kanyang FB account sa kuhang ikinasal ang characters nila bilang Leah at Clark sa pagtatapos ng seryeng On The Wings of Love noong Biyernes, Pebrero 27.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinundan iyon ng isa pang post ni James na, “What a love story. I feel so blessed to have found someone to share my life with — my best friend, my soulmate, my destiny, my Leah. This is just the start of our many adventures together. The start of more happy memories. The start of our basketball team. The start of our journey, on the wings of love.”

Umabot sa 1,920 shares ang post na iyon ni James at umani ng mga positibong komento ng followers nila na halos iisa ang tanong, kailan ang susunod nilang teleserye at pelikula.

Tulad ng sinulat namin kamakailan, uunahin muna ng JaDine ang world tour nila sa Qatar, Dubai, Milan at Europe bago simulan ang bagong teleserye sa Hunyo.

Kasabay na rin sa world tour ang shooting ng pelikula nina James at Nadine na produced ng Star Cinema at Viva Films sa direksiyon ni Nuel Naval. (REGGEE BONOAN)