Ariadna copy

MAG-AARTISTA na ang Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez, hindi sa isang pornographic movie, kundi sa bagong action film kasama si Vin Diesel.

Iniulat ng TMZ nitong Pebrero 29, 2016 na gagampanan ni Gutierrez ang papel ng love interest ni Diesel sa xXx: The Return of Xander Cage, na balak i-release sa 2017.

Hindi lang basta-basta ang papel ng Miss Universe 2015 1st runner-up, ayon sa source ng TMZ. “She’s in six scenes and has three pages of dialogue,” ayon sa TMZ.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Si Gutierrez ay nakatakdang lumipad patungong Dominican Republic upang kunan ang kanyang mga eksena para sa magiging unang pelikula niya.

Makakasama nina Diesel at Gutierrez sina UFC superstar Conor McGregor, Samuel Jackson, Nina Dobrev, at Ruby Rose at marami pang iba.

Ang pelikulang ito mula sa direksiyon ni D.J. Caruso ay sequel ng xXx (2002) at xXx: State of Union (2005).

Matatandaang inalok si Gutierrez ng $1 million para sa pornographic movie ng Vivid Entertainment Inc. Pero hindi ito tinanggap ng 22 taong gulang na beauty queen at sinabing hindi siya gaganap sa isang adult film dahil hindi umano ito babagay sa kanyang personalidad. (MB Entertainment)