IBINUKING sa amin ng isang taong malapit sa papasikat na guwapong young actor na hindi malayong may lumabas ding “sex video scandal” ang kaibigan niya.

Inamin pala sa kanya ng young actor na nagawa rin nitong ipakita ang itinatagong pagkalalaki sa naka-chat na isang dayuhang babae.

Nahalina raw nang husto si Young Actor sa beauty ng ka-chat na Amerikana kaya hindi na nito naisip na maaaring makakasira iyon ng career nito.

Ikinuwento ng actor sa kanya na inirekomenda ng isang kaibigan na kapareho rin niyang nag-uumpisa pa lamang noon sa showbiz ang naturang web site na pawang magaganda at seksi ang nakaka-sex chat nila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Inamin ng young actor sa source namin na hindi lang isa kundi tatlong beses siyang nakipag-sex chat sa tatlo ring iba’t ibang babae.

Kaya ganoon na lang ang kaba ngayon ng papasikat na young actor, hindi nga naman malayong maglabasan na ang video na may ginawa siyang kalaswaan sa sarili.

“Ilang taon na rin naman ang nakararaan nang gawin niya ‘yun at nang mga panahon na ‘yun, eh, halos kapapasok pa lang niya sa showbiz at iilan pa lang ang nakakilala sa kanya,” sey pa ng kausap namin.

Inamin ng young actor na dala ng kapusukan ng kabataan kaya niya iyon nagawa noon. Pero ngayong marami na ang naglabasang “video scandal” ng showbiz actors, isa sa nakararamdam ng sobrang kaba ang young actor.

Any moment nga naman ay baka nga bigla na lang bumulaga sa social media ang nakakahiyang ginawa noon ng papasikat na young actor.

“Well, ready naman siya agad at hindi raw naman niya ikakahiyang aminin ‘yun. Pero isa lang naman ang worry niya, baka instead na sumipa paitaas ang career niya ay baka ito raw ang dahilan sa kanyang wala sa panahong pagkalaos agad,“ sey pa ng kausap namin. (Jimi Escala)