James-Reid-and-Nadine-Lustre copy

“BAD trip si Paulo (Avelino).” Ito ang magkakaparehong laman ng sunud-sunod na text sa amin noong Martes ng gabi habang nasa labas kami. Pero ayon sa ilan pang nagpadala ng mensahe, ang ganda ng eksena nina James Reid at Nadine Lustre sa naturang episode ng On The Wings of Love.

Napakaganda kasi ng ‘make out moment’ nina Clark at Lea, ramdam na ramdam ng televiewers na hindi na sila umaarte dahil kitang-kita na ‘yung feelings at ang kinis ng pagkaka-shoot sa kissing scene ng dalawa na paakyat sa kuwarto at nahiga sa kama, walang malisya.

Ito siguro ‘yung tinukoy ni James sa presscon ng JaDine In Love nang tanungin kung ano ang memorable scenes nila ni Nadine sa OTWOL.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Wala pa, hindi pa ipinapakita,” aniya.

Malamang, hindi nahirapan si Direk Antoinette Jadaone na i-shoot ang dalawa sa nasabing eksena dahil with feelings at bigay na bigay.

Napaka-gentle rin ng pagkakatanggal ni Lea ng shirt ni Clark kaya lalong kinilig ang mga manonood. Pero nang humiga na sila sa kama, biglang nag-doorbell ng sunud-sunod itong si Simon (Paulo Avelino).

Hayun, nasira ang mood ni Clark at hindi naman malaman ni Leah ang gagawin. Pero nakakainis pa rin dahil hindi pa rin inamin ni Wifey na nagkabalikan na sila ng Hubby niya.

Kaya persistent pa rin si Simon sa hangarin niya kay Leah na sila pa ang magkasamang bumalik ng San Francisco kaya nagbiyaheng mag-isa si Clark.

Sa huling frame noong Martes, ipinakita na halatang galit si Clark kaya pinirmahan na niya ang divorce paper nila ni Leah na ikinagulat nito. Oo nga, ano ba ang nangyari? Okay na, eh, bakit biglang nag-iba ang desisyon ni Clark?

Tulad ng sinulat namin kahapon, bukas ng gabi na magaganap ang live viewing party ng finale episode ng On the Wings of Love kasama ang buong cast ng serye sa Ynares Center sa Antipolo, 7 PM.

Upang makakuha ng libreng tickets, sumugod sa Ynares Center sa Biyernes (Feb 26) simula 1 PM at tunghayan ang engrandeng pagtatapos ng hit teleserye.

Hindi rin naman mapag-iiwanan ang TFC subscribers dahil simula Lunes (Feb 22), naka-live simulcast ang Philippine airing ng OTWOL sa Japan, Middle East, Europe, Asia-Pacific, at Australia. Mapapanood din ang live simulcast sa Canada at USA sa pagtatapos ng phenomenal serye sa Biyernes (Feb 26).

Samantala, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga Kapamilya sa ibang bansa na mapanood ang JaDine In Love concert.

Simula sa Marso, maglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo sina James at Nadine kasama sina Yeng Constantino at Jay-R.

Abangan ang tambalang JaDine sa Doha, Qatar sa March 18 at sa Dubai, UAE nang March 19. Mapapanood din ang JaDine sa London, UK sa March 26 at Milan, Italy sa March 27. (REGGEE BONOAN)