Alden, Maine, Marian at Dingdong copy

GINAWARAN na ng parangal sa mga napili ng Anak TV Seal Awards sa mga karapat-dapat na manalo sa kanilang Makabata Award para sa performers sa television.

Itinataguyod ng Anak TV Seal ang child-sensitive, family-friendly television sa Pilipinas. “It is the Filipino people’s choice for TV programs that are appropriate for the entire family,” anila.

Ang ilan sa mga tinanghal na Anak TV Seal awardees ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang Makabatang Alagad ng TV.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dahil umaga ginawa ang awarding, bago nag-report sa Eat Bulaga sina Alden at Maine, tinanggap muna nila ang panibagong awards na ipinagkaloob sa kanila.

Si Vic Sotto ang unang nagpasalamat sa Eat Bulaga sa awards na tinanggap nina Alden at Maine, at sa award ding ipinagkaloob sa kanilang noontime show sa pagbibigay ng nakaaaliw na show na may aral na ibinibigay sa mga manonood.

Congratulations sa lahat ng mga nagwagi sa iba’t ibang category mula sa iba’t ibang television networks.

(NORA CALDERON)