Mga laro bukas

(Moro Lorenzo Field)

1 n.h. -- Ateneo vs UP (Men)

3 n.h. -- UE vs AdU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ginulat ng University of Santo Tomas ang dating lider na National University, 3-1,sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 men's football sa McKinley Hill Stadium.

Bunsod ng panalo ng Tigers, naagaw ng De La Salle University ang solong pangunguna.

Naitala ni Renz Gumban ang huling dalawang goal para sa Growling Tigers sa ika-72 at ika-81 minuto para mapalawig ang bentahe matapos makatabla ang Bulldogs sa 1-1.

Bungan ng panalo, umangat ang UST,ang most winningest team sa liga na may kabuuang 35 titles sa ikalawang posisyon taglay ang 8 puntos.

Sa iba pang laro, naitala ni rookie Carlos Joseph ang game-winner sa ika-82 minuto para makabawi ang Green Archers sa Far Eastern University, 2-1, para masolo ang pamumuno sa natipon nilang 10 puntos.

Sanhi ng kabiguan, bumaba ang Bulldogs sa ikatlong posisyon bitbit ang 7 puntos.

Naunang umiskor para sa Green Booters si Greggy Yang sa ik-33 minuto bago naktabla ang Tamaraw mula kay rookie Rico Andes y. (Marivic Awitan)