BAGUIO CITY -- Anim na batang lalaki at dalawang batang babae ang napili sa isinagawang Regional Selection Camp ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines na ginanap nitong weekend sa Benguet State University dito.

Nanguna sina Jan Zyrus de Ayr eng Berkeley School, 14; Ric Ozner Joshua Gatuz ng Cherished Moments School, 13; Vincent Mabiwo ng University of Cordilleras, 13; Emmanuel James Macaranasn ng Bayambang National High School, 13; Sergz Quitaleg ng St. Louis University – Laboratory High School, 14; at Wrench Mason Roquid ng University of Perpetual Help System- Laguna, 13, sa boys division, habang namayagpag sina Katreena Areola, 13, ng Berkeley School; at Rae Jemima Caba, 13, ng St. Louis University – Laboratory Elementary School sa girls division.

Kakatawanin nila ang North Luzon sa Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines National Training Camp sa Abril.

Umabot sa 667 kalahok mula sa Cordillera Administrative Region, at sa karatig na Batangas at Laguna, ang nakilahok sa programa na itinataguyod ng Alaska upang makakuha ng oportunidad na mapabilang sa piling-piling grupo na mabibigyan ng pagkakataon na matuto pa nang higit sa naturang programa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nangibabaw ang walo hindi lamang sa kanilang galing at talento kundi sa kanilang karakter na akma sa Jr. NBA/Jr. WNBA S.T.A.R. values na Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude at Respect. Pinangunahan ni WNBA coach Craig Brown ang naturang programa.

“I think everyone’s performance was outstanding and everyone had a positive attitude. I applaud the North Luzon participants for coming out and giving their best. They will perform very well in the National Training Camp,” sambit ni Brown.

Sunod na gaganapin ang Regional Selection Camp sa Davao (February 27-28), Cebu (March 5-6) at Manila (April 9-10).