chess copy

GENERAL SANTOS CITY – Umusad ang Nica Team Ilonggo at Team Roel Pacquiao matapos ang impresibong panalo laban sa magkahiwalay na karibal, nitong Linggo sa opening day ng Bobby Pacquiao Random Chess Festival sa SM Mall Trade Hall dito.

Sa pangunguna ni National Master Rolando Andador, pinulbos ng Ilonggo pawn pusher ang Arce Survey, 4-0, habang winalis din ng Team Roel Pacquiao ang Phonics.

Nagwagi rin ang Guevarra Law Defenders, GenSan Omicrons, Nurjay Sahali Team A, Elman Team A, Elman Team B, Property Expert Realty A, Tagaytay City Chess Club, M.A. Yabut Team B/ Pampanga, Property Expert Realty B, MD Fragata, Pacman Team C, Dimachintucan Team at Pacman Warriors.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ginapi ng Law Defenders ang Taraka Chess Team of Lanao Sur, 3-1; namayani ang GenSan Omicrons kontra Davao Chess Eagles, 3-1; nagwagi ang Yabut sa Team J4S-Justice for Seafarers, 3.5-0.5; nanaig ang Property Expert Realty B kontra sister team Property Expert Realty C, 3-1;

Hiniya ng Nurjay Sahali ang RP Sarangani B, 3.5-0.5; nahigitan ng Elman Team A ang Sulu Chess Club Society Inc., 3-1; ibinasura ng Pacman Team C ang MP Tower, 3-1; umusad ang MD FRagata laban sa Pacman GenSan Team, 2.5-1.5; nakalamang ang Dimachintucan Team ni International Master Oliver Dimakiling laban sa Pacman Butitingoy Team, 3.5-0.5; nagwagi ang Tagaytay City Chess Club sa Barracks Chess Master, 3-1; kumikig ang Elman Team B kontra Madalum Maritima Chess Team, 2.5-1.5; at nangibabaw ang Pacman Warriors sa USCCI-Kusug Tausog, 2.5-1.5.