GLADYS copy

HINDI makapaniwala ang aktres at MTRCB board member na si Gladys Reyes na pati siya ay maging biktima ng kapalpakan ng ilang tauhan ng BIR.

Gustung-gusto man ni Gladys na magkomento sa nasabing isyu ay hindi pa raw napapanahon.

Aniya, kapag medyo plantsado na at naayos na nila ang nasabing gusot ay saka siya maglilintanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pauwi pa lang kasi ang masipag at magaling na aktres kasama ang buong pamilya niya mula sa isang bakasyon sa Bohol at ang isang kaibigan na nagyaya sa kanila.

Pero hindi maitago ni Gladys ang kanyang pagkairita at pinipigilan lang daw niya ang sarili niya.

“Hay naku, nakakainis talaga,” sey ni Gladys.

Agad naman siyang pinayuhan ng isang kasamahan niya sa MTRCB na manahimik muna at hayaang maayos muna ang gusot at saka na sila gagawa ng nararapat na aksiyon.

Pinayuhan din siya ng kanyang abogado na iwasan muna ang maglabas ng anumang statement o magkuwento sa ginawa sa kanya ng naturang mga tauhan ng ahensiya ng gobyerno.

Kumbaga, hangga’t hindi pa raw nila nakukuha ang ebidensiya at naaayos ang lahat ay tahimik na lang daw muna ang isa sa mga bida ng seryeng My Little Nanay ng GMA-7.

Samantala, humingi naman daw ng paumanhin ang gumawa ng kapalpakan kay Gladys. (Jimi Escala)