KUNG marami ang natutuwa sa pag-iibigan ng isang actor at isang aktres (Aktres A), may isa pang aktres (Aktres B) na kasalukuyan daw nagdaramdam.

Hindi na muna namin babanggitin ang pangalan ng aktres dahil hindi pa naman namin siya nakakapanayam para sa isyung ito.

Anyway, walang opisyal na relasyon sina Aktres B at aktor pero madalas silang nakitang lumalabas noon, ayon na rin sa aming source at sa mga nakakakita sa dalawa. Halos nalibot na nga raw ng dalawa ang bars sa Metro Manila.

“Si Girl (Aktres B) ang habol nang habol kay Boy (actor), pero si Boy dedma lang kasi hindi lang naman si Girl ang idini-date niya, marami. Alam mo na, guwapo at sikat, so girls na ang lumalapit. Itong si Girl, mautak, kapag

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

nalaman niyang nasa isang lugar si Boy, bigla siyang darating at hayun, sila na ang magkasama the whole night. Itong si Girl kasi maraming koneksyon sa mga bar na pinupuntahan ni Boy, kaya hayun, nalamaman niya,” detalyadong kuwento n gaming spy.

Nakarating na sa talent management agency ng magkarelasyong aktor at aktres ang paghahabol ni Aktres B kay Boy kaya sila na mismo ang nagsabi sa aktor na tigilan na ang pagsama-sama dahil nakasisira ito sa career niya at sa love team nila ng kanyang beloved.

Hmmm, ito kaya ‘yung sinabi ng aktor sa isang event na nagpapasalamat siya sa kanilang manager na kahit daw matigas ang ulo niya ay hindi siya iniiwanan at lagi siyang iniintindi?

Naikuwento pa ng spy sa amin na minsang nagkasabay sa isang event si Boy at si Girl ay nataranda ang kampo ng aktor dahil nga kabilin-bilinan sa kanila ng talent management nila na huwag nang payagang mag-usap o pagtabihin ang dalawa, kasi baka raw makunan ng litrato at kumalat sa social media.

Grabe, may ganito na palang kuwento, Bossing DMB, wala tayong kaalam-alam, kalurky.

Ang tip sa amin ng source, “Interbyuhin mo si Girl at kunan mo ng reaksiyon ngayong opisyal nang magkarelasyon sina _____ (aktor) at _____ (Aktres A) at super in love kamo si Boy at ipinagmamalaki niya sa buong mundo.

Hmmm, parang may hugot naman ang sinabi ng source na ipinagsisigawan ni Boy si Aktres A.

Sabagay, kailanman ay hindi inamin ni Boy ang aktres na nakaka-date niya at ni minsan ay hindi niya sinabihan ng, “I love you!”

Actually, Bossing DMB, nagtataka ako sa Aktres B kung bakit wala yatang sumiseryosong lalaki? Ano sa tingin mo?

(Reggee Bonoan)