Gabby Carla Rafael copy

DINALAW namin sa set ng Because of You sina Gabby Concepcion, Carla Abellana at Rafael Rosell na nagsabi na lagi silang good vibes, tulad din ng napapanood na istorya ng kanilang primetime series. 

Sabay-sabay namin silang nakausap sa set nila sa GMA Network Annex.

Paano sila nag-celebrate ng Valentine’s Day?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Ako, nag-pizza lang kami, hindi kami nakalabas dahil sa traffic,” sagot ni Gabby.

“Pupunta sana kami ni Tom (Rodriguez) sa house namin sa Tagaytay pero sinabihan ako ng sister ko na baka magka-migraine lang ako sa grabeng traffic,” sabi naman ni Carla. “Kaya nag-dinner na lang kami, may reservation naman si Tom. Siyempre, may flowers and gift.”

“Ako kasama ko si Alona, mga alon, kasi nag-surfing ako,” natawang sagot ni Rafael. “Before Valentine’s Day nandoon na ako sa beach.”

Kung sila ang masusunod, kanino dapat mapunta si Andrea (Carla), kay Boss Yummy/Jaime (Gabby) o kay Oliver (Rafael)?

“Of course, dapat kay Boss Yummy dahil mahal naman niya talaga si Andrea at annulled na ang kasal niya sa wife niya.

He deserves to be happy. Ito ang habol ko sa aming drama series, iyong comedy part, naiiba kasi at light ang dating sa mga viewers, kaya nagpapasalamat ako sa GMA na binigyan nila ako ng ganitong role. Alam kong si Oliver ay gustong bumalik kay Andrea, pero hindi papayag si Boss Yummy, kaya hindi siya pumapayag na mapalapit si Oliver kay Andrea,” sagot ni Gabby na biniro naming dahil sa role niya, parang hindi siya tumanda kumpara sa mga kasabayan niya.

“Sa story naman, nagkasala nga si Oliver nang iwanan niya si Andrea noong kasal, pero nagsisi siya at binalikan niya si Andrea at tuwing may problema ito o may nangyayaring hindi maganda sa kanya, laging nasa tabi niya si Oliver. 

Need din ni Oliver na maka-experience ng second chance kay Andrea,” sagot ni Rafael.

“Ewan ko kung kanino ako mapupunta. Pero si Kuya Gabby, mesmerized ako sa kanyang kaguwapuhan, minsan naku-curious ako kung ano ang sekreto niya, pero siguro, good health niya kaya nami-maintain niya ang good looks niya. May friend nga akong nag-text sa akin na lagi raw siyang nanonood ng Because of You at sabi niya, bakit daw kahit sinong itabi kay Kuya Gabby, hindi guwapo. Hintayin na lang ninyo, marami pang mangyayari sa story, enjoy si Direk Mark Reyes magdirek.”

Napapanood ang Because of You gabi-gabi pagkatapos ng That’s My Amboy. (NORA CALDERON)