Pangingikil ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa pagpapasabog sa tore ng windmill power plant ng North Luzon Renewable Energy Corporation, na ginamitan pa ng high-explosive device, sa Barangay Tadao sa Pasuquin, Ilocos Norte, nitong Biyernes.
Ito ang inihayag ni Supt. Leland Benigno, deputy provincial director for operations ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO).
Lumabas sa imbestigayon na nakarekober ang pulisya ng isang detonating cord matapos ang pagsabog, na pinaniniwalaang ginawa ng dalawa hanggang apat na bomb experts.
Sa ngayon, wala pang matukoy na suspek ang awtoridad, ngunit ikinokonsidera ang presensiya ng New People’s Army (NPA) sa kalapit na barangay. (Fer Taboy)