GERONA, Tarlac - Kapwa naka-confine ngayon sa Tarlac Provincial Hospital ang dalawang lalaki matapos silang magsaksakan sa Purok Aksiyon Agad sa Barangay Bularit, Gerona, Tarlac dahil sa pinagtalunan nilang pera.

Kinilala ni PO3 Armin Alimboyogen ang nagsaksakan na sina Melandio Domingo, 56, ng Bgy. Buenavista, Pura; at Fred Balmores, 49, ng Bgy. Salapungan, Gerona.

Bago ang insidente, nakipag-inuman muna ang dalawa sa kanilang mga kaibigan sa magkahiwalay na bahay sa Bgy. Bularit, subalit matapos makipag-inuman ay aksidente silang nagkita habang pauwi.

Hiningan ni Domingo ng pera si Balmores, na tumanggi at nagkasigawan sila.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, bumunot si Domingo ng jungle knife at sinaksak si Balmores, na naagaw ang patalim at isinaksak ito sa una. (Leandro Alborote)