Marco Masa copy copy

GAGAMITIN ni Chokee (Marco Masa) ang kanyang kapangyarihan upang tulungang makabangon ang negosyo nina Sisay (Sharlene San Pedro) sa pagpapatuloy ng kuwentong kapupulutan ng aral sa Wansapantaym Presents: Susi ni Sisay.

Sa pagdagsa ng mga mamimili sa vegetable stand ni Susan (Jolina Magdangal), tuluy-tuloy naman ang paghina ng benta ni Sisay sa kanyang mga panindang gulay. Ngunit hindi naman ito hahayaan ni Chokee at tutulungan siyang makahanap ng murang pag-aangkatan ng gulay.

Kapalit naman ng kabaitan sa kanya ng batang diwata, sisiguraduhin ni Sisay na matatagpuan nila ang susi ng lagusan upang muling makapiling ni Chokee ang kanyang pamilya.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sa kanilang pagtutulungan, makabangon na kayang muli ang negosyo nina Sisay? Mahanap na din kaya nila ang susi ng lagusan?

Kasama rin sa cast ng Wansapantaym Presents: Susi ni Sisay sina Jairus Aquino, Marvin Agustin, Tetchie Agbayani at Matet de Leon. Ito ay mula sa panulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon at sa direksiyon ni Wenn V. Deramas.

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ngayong Linggo sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.