Lady Gaga copy

MAY bagay na hindi kayang gawin si Lady Gaga?

Nagpamalas din ng talento sa pagrampa ang 29 na taong gulang na singer/actress sa New York Fashion Week nitong Huwebes sa Marc Jacobs’ Fall 2016.

Bagay na bagay kay Gaga ang dark, gothic theme ng show, maging ang pagsuot niya ng sapatos ng may naglalakihang takong.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Suot ang hanggang sahig na gray coat na may emerald green na arm cuffs, ang Mother Monster ay tila naging natural sa kanyang NYFW runway debut.

Rumampa rin si Kendall Jenner, kasunod lamang ni Gaga. Ang 20 taong gulang na reality TV star ay hindi agad nakilala dahil sa kanyang makapal na makeup. (ET Online)