ANGEL1 copy copy

BALIK Singapore ngayong araw si Angel Locsin pagkalipas ng tatlong araw para sa mga kakailanganin pa niyang therapy.

Umuwi ng Pilipinas si Angel ilang araw pagkatapos ng second procedure para maiayos ang iniinda niyang karamdaman sa spine dahil sinorpresa niya ang kanyang ama na nagdiwang ng kaarawan noong Pebrero 16.

Nasorpresa at tuwang-tuwa ang daddy ni Angel sa pagdating niya dahil inakala nitong hindi niya mababati ng personal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa Instagram posts ni Angel, ang saya-saya ng tatay niya na nag-blow ng 89th birthday candle na nakapatong sa Cadbury at sinamahan pa ng Ferrero chocolates.

Mahilig kasi sa tsokolate ang daddy ni Angel kaya ito ang naisipan ng mga anak na paglagyan ng bday candles.

Intimate ang party para sa kaarawan ng ama ng aktres at kumpleto silang magpapamilya kasama ang mommy niya at nagkaroon pa sila ng photo booth na labis daw na ikinatuwa ng ama na naiyak pa at nagpapasalamat sa lahat.

Maging si Angel ay naiyak din dahil napasaya nila ang tatay nila.

Ayon sa source namin, mananatili sa Singapore si Angel hanggang katapusan ng Pebrero para kumpletuhin ang theraphy niya at hopefully ay gumaling na siya kaagad at makapagpahinga nang husto bago harapin ang maraming gagawin niya.

(Reggee Bonoan)