Kahit tubong Pangasinan ang ama ni Senadora Grace Poe na si Fernando Poe, Jr. ay nagkaisa ang mga mambabatas ng Pangasinan na suportahan ang kandidatura ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

Ang mga mambabatas mula Una hanggang Ikaanim na distrito ng Pangasinan, mula sa LP, Nationalist People’s Coalition (NPC), at ABONO party-list ay pumirma ng Manifesto of Support para kay Roxas na inilabas kahapon.

Ayon sa Manifesto, all-out ang suporta nila kay Roxas dahil naniniwala silang ang dating kalihim lamang ang may sapat na kakayahan, magandang record at malinis na reputasyon sa pamamahala na pasok para maging susunod na pinuno ng bansa.

Sa halos dalawang dekada na paninilbihan ni Roxas sa gobyerno ay walang bahid ng korupsyon ang tumatak sa paninilbihan nito, ayon sa manifesto.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Lumagda rin sa manifesto sina Rep. Gina P. de Venecia, Rep. Rosemarie “Baby”Arenas, Rep. Marlyn Primicias-Agabas, Rep. Jesus Celeste, Rep. Conrado Estrella III at Rep. Leopoldo Bataoil. Nauna na rito ang pagdeklara ng suporta ng gobernador ng Pangasinan na si Governor Amado Espino Jr,. (Beth Camia)