Angel-Locsin copy

KAARAWAN ng daddy ni Angel Locsin noong Martes, Pebrero 16 at kahit na naka-neck brace at naka-wheelchair pa ay umuwi ng Pilipinas ang aktes para sorpresahin ang ama.

Yes, Bossing DMB, humingi ng permiso si Angel sa kanyang attending physician sa Singapore para makauwi ng Pilipinas para sa celebration ng 89th birthday ng ama.

Post ni Angel sa Instagram, “won’t miss my daddy’s birthday tom (Pebrero 16) on our way home!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nag-post din ang dalaga ng picture na kuha habang nasa sasakyan na sila ng daddy at kapatid na may caption na, “Birthday salubong ni daddy :) literal. sinalubong nya ako sa birthday nya! happy birthday father dear!”

Kaarawan din ni Anne Curtis kahapon (Pebrero 17) at binati rin siya ni Angel sa IG ng, “Happy birthday to the beautiful, smart, sexy, talented, kind (eh di ikaw na!) @annecurtissmith labyu Anita!”

Samantala, kung hindi nagkakamali ang source namin ay babalik ulit ng Singapore si Angel dahil ito advise ng doktor niya. (Reggee Bonoan)