Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- La Salle vs. UP (m)

10 n.u. -- NU vs. UST (m)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- UE vs. UST (w)

4 n.h. -- UP vs. Adamson (w)

Makabawi sa magkasunod na pagsadsad ang asam ng University of the Philippines at Adamson sa kanilang pagtutuos ngayon sa tampok na laro sa UAAP Season 78 women’s volleyball championship sa The Arena sa san Juan.

Kapwa nagtamo ng magkasunod na kabiguan ang Lady Maroons at Lady Falcons kung kaya’t inaasahang pukpukan ang duwelo sa hangaring makaiwas sa tuluyang pagkalaglag sa team standings.

Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.

Magkasalo sa ngayon sa ikaapat na puwesto ang Lady Maroons at Lady Falcons hawak ang barahang 1-2, isang panalo ang pagkakaiwan sa Lady Tamaraws na may patas na barahang 2-2.

Mauuna rito, unahan namang makapasok sa win column ang kapwa winless pa ring University of Santo Tomas (0-3) at University of the East (0-3) sa kanilang pagtutuos ganap na 2:00 ng hapon.

Sa men’s division, makahanay sa mga nangungunang Ateneo at Adamson ang hangad ng University of the Philippines at National University sa pagsalang sa magkahiwalay na laban.

Nasa ikalawang posisyon hawak ang record na 2-1, tatangkaing pumatas ng Maroons sa Blue Eagles at Falcons sa pagpuntirya ng ikatlo nilang panalo laban sa De La Salle ganap na 8:00 ng umaga.

Sasagupain naman ng Bulldogs ganap na 10:00 ng umaga ang University of Santo Tomas. (Marivic Awitan)