LUIS AT ANGEL copy

HINDI namin napilit si Luis Manzano na magkomento tungkol sa nakarating sa amin na in-unfollow niya sa Instagram, si Angel Locsin at ang halos lahat ng mga taong malapit sa dating kasintahan.

At first, sunud-sunod ang palitan namin ng text messages ni Luis pero nang tanungin namin tungkol sa naturang isyu ay hindi na siya nag-reply.

Iniiwasan na rin ni Luis na magkomento tungkol sa break-up nila ni Angel. Pero dahil sa patuloy na pag-iwas nilang dalawa na sagutin ang katanungan ng reporters ay kung anu-anong masasamang haka-haka tuloy ang naglalabasan sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Asahan nang lalo pang dadami ang mga espekulasyon hangga’t itinatago nila ang totoong dahilan.

Samantala, alam ni Luis na nabalik na si Angel mula sa second operation sa Singapore na ayon sa mga balita ay naging matagumpay ang resulta.

Kasalukuyan nang nagpapalakas ang Kapamilya actress.

May nakausap naman kaming taong malapit pareho kina Luis at Angel na naniniwalang hindi naman porke wala nang problema sa sakit sa likod ay itutuloy na ng dalaga ang paggawa sa pelikulang Darna.

“Nakapanghinayang nga kung sa iba pa mapupunta ang role na ‘yan, pero dapat mas intindihin ni Angel ang sarili niyang kaligtasan. Sana hindi na siya magpadala sa mga sulsol sa kanya,” sey ng source.

Pero sa totoo lang, ramdam naman ng kausap namin na hindi si Angel ang nanghihinayang sa Darna project kundi ang fans ng aktres. Kahit marami pa namang ibang magagandang projects na maaaring gawin ni Angel, may mga tagahanga pa ring naniniwala na walang ibang puwedeng gumanap ngayon sa papel na dating ginampanan ni Vilma Santos kundi si Angel.

(Jimi Escala)