sarah-piolo copy

NGAYONG Linggo, Araw ng mga Puso, may regalong handog ang Cinema One sa Sunday Blockbusters nito, ang unang maipapalabas sa TV ng multi-million blockbuster hit na The Breakup Playlist ng Star Cinema at Viva Films.

 

Ang romantic dramang ito na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ay isinulat ng blockbuster maker na si Antonette Jadaone at idinirihe ng kasintahan niyang si Dan Villegas. Binigyang-buhay nila sa kuwento ang law student na si Trixie (Sarah) at isang binatang musician (Piolo) na nagkrus ang landas dahil sa pagmamahal nila sa musika. Nagkasama sila sa isang proyekto at unti-unting nahulog ang loob sa isa’t isa na nagdulot ng mabuti’t masama sa kanilang career at personal na buhay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang The Break-up Playlist ay ipinalabas sa 180 sinehan sa buong bansa at tinalo sa takilya ang international films na nakasabay nang mag-gross ng P15 million sa unang araw. Dahil sa magagandang review sa unang araw pa lang, agad umakyat sa 200 sinehan sa buong bansa ang nagpalabas nito sa pangalawang araw.

 

“…’Breakup Playlist’ has its heart and soul in all the right places,” ani Oggs Cruz (rappler.com). “…the movie’s intention is really serious that it makes the audience re-validate past relationships, reconcilable differences and how one agree to disagree and make amends. I am still in awe…,” ani Rod Magaru (rodmagaru.com).

 

Huwag palampasin ang Valentine treat ng Cinema One ngayong Valentine’s Day sa numero unong cable channel ng bansa.