Kendall copy

DAHIL sa paggamit sa kanyang mga litrato sa advertisement, inireklamo at sinisingil ni Kendall Jenner, modelo at napapanood sa reality TV show na Keeping Up with the Kardashians, ang isang skin care company sa halagang $10 million.

Sa isang reklamo na inihain nitong Miyerkules, pinabulaanan ng mga abogado ni Jenner ang advertisement ng Cutera, Inc., kaugnay ng Laser Genesis treatment nito, na nag-umpisang lumabas sa New York City ngayong buwan, bago ang Fashion Week.

“Ms. Jenner’s actual endorsement for a worldwide campaign such as this would command a fee well into eight figures,” saad sa inihaing reklamo.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

“Setting aside the monetary value, however, it is Ms. Jenner’s choice whether or not to commercially endorse another party’s goods and services. Cutera took that choice away from her.”

Sa reklamong inihain ni Jenner at ng kanyang Kendall Jenner, Inc. sa Los Angeles federal court, inakusahan ang Cutera ng trademark infringement, panloloko sa kanilang inendorso at paglabag sa kanyang karapatan.

Aabot sa “well into eight figures” ang sisingilin sa nasabing skin care company.

Hindi naman agad na nagbigay ng komento at pahayag ang Cutera, Inc., na nakabase sa Brisbane , California.

Si Jenner ay half-sister ng reality TV stars na sina Kim, Khloe at Kourtney Kardashian. Siya ay lumalabas sa fashion magazine covers at may 15.5-milyong Twitter follower at 48.6 milyong Instagram followers. (Reuters)