Aalisin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang moratorium sa pagkakaloob ng mga bagong bank license upang mahikayat ang mas maraming mamumuhunan sa banking sector.

Sa isang pahayag, sinabi ni BSP Governor Amando M. Tetangco, Jr. na ang pag-aalis ng moratorium sa pagkakaloob ng lisensiya para sa pagtatayo ng mga bagong bangko ay dahan-dahang ipatutupad at sa dalawang phase hanggang sa tuluyan itong mabura sa Enero 1, 2018.

Sinabi ni Tetangco na hihikayatin nito ang mga lokal na negosyo “[to] explore opportunities in the banking sector amid the opening of the industry to foreign capital infusion” sa susunod na dalawang taon. (Lee C. Chipongian)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji