Kathniel

Ni JIMI ESCALA

ANG tinaguriang Teen King and Queen ng Philippine entertainment industry na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nagwaging Best Foreign Actor and Best Foreign Actress sa Face of the Year Awards 2015 na ginanap sa Vietnam kamakailan. 

Kuwento ni Kathryn, sadya silang pumunta ni Daniel sa Vietnam para personal na tanggapin ang nasabing award. Ang ikinagulat nilang ay ang napakainit ng pagtanggap sa kanila ng mga Vietnamese.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Actually, sobrang saya namin nu’ng sa Vietnam po, nagulat talaga kami kasi Got To Believe po ‘yung in-air do’n, ‘yon ‘yong na-recognize kami ‘tapos sinabi na ngayon yata, ngayong year, ‘yung Pangako Sa ‘Yo naman ang ieere nila sa Vietnam. So, hopefully, matanggap nila kung paano nila tinanggap ‘yung Got To Believe,” seryosong lahad ni Kathryn. 

Nagpasalamat din si Kathryn na nagugustuhan din sa ibang bansa ang version nila ng Pangako Sa ‘Yo kagaya rin ng pagtanggap sa orihinal na version nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

“Hindi po namin talaga ini-expect kasi nga, aware kami na sina Ms. Kristine Hermosa and si Jericho Rosales, nakilala talaga sila sa halos buong mundo because of Pangako Sa ‘Yo. So, hindi namin in-expect na ganu’n din ang mangyayari sa amin na na ano kami... kahit sa Asia man lang.

“Kaya nga sobrang nagpapasalamat kami kasi parang dinadala rin namin ‘yung pangalan ng ABS-CBN na kaya natin, na ‘yung ibang shows natin, ‘yung quality, p’wede rin sa ibang bansa, ganyan,” saad pa ng sikat na Kapamilya young actress. 

Masaya ring ikinuwento ni Kathryn na pagdating pa lamang nila sa airport sa Vietnam ay napakainit na ng pagtanggap ng mga tao sa kanila ni Daniel. 

“Nakaka-proud talaga at kakaibang experience po ‘yun kasi hindi namin in-expect sa airport na ganu’n ‘yung magwe-welcome sa amin na mga Vietnamese. ‘Yung sa awarding ceremony, hindi namin sila maintindihan pero pag-akyat namin ng stage, nakaka-proud kasi dala namin ‘yung pangalan ng ABS-CBN, ‘yung buong station and tinanggap nila tayo do’n,” kuwento pa ni Kathryn. 

Samantala, kahit masayang-masaya ay kabado pa rin si Kathryn na for the first time ay nominated sa 2016 Nickelodeon Kids Choice Awards under Favorite Pinoy Personality category kasama sina Enrique Gil and James Reid.