Ni MERCY LEJARDE

SA kabila ng pagiging malayo sa isa’t isa, patuloy na gumaganda ang relasyon ni Camille Prats sa kanyang boyfriend na si John Yambao na naka-base sa Amerika.

Hindi hadlang ang long distance relationship para magpag-date sila.

Katunayan, sinasabayan ni John si Camille sa pagmemerienda kahit matutulog na lang ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinost ng Wish I May actress ang photo nila ni John na kumakain ng burger sa kanyang Instagram account na may caption na, “Who said we can’t go on a date even though we are thousands of miles apart? had Nayomi burger for merienda and when he heard that, he got up from bed all set to sleep at 1am, drove to in n out and had a burger too. Happy 3Y2M my love! The things we do just to feel we’re right beside each other. Missing you quite terribly! You make LDR so bearable inspite of time and distance.” 

Ay, ya, yay, pag-ibig! 

Hope hindi lang ito sa month of February, Camille Pratts na ang ganda ng role bilang ‘di kilalang nanay ni Bianca Umali sa Wish I May serye nila ni Miguel Tanfelix sa Kapuso afternoon series after Eat Bulaga.