May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Bea Alonzo magiging mabuting misis at ina, sey ni Ian Veneracion

Bea Alonzo magiging mabuting misis at ina, sey ni Ian Veneracion
Photo Courtesy: Ian Veneracion, Bea Alonzo (FB)

Naghayag ng reaksiyon ang aktor na si Ian Veneracion tungkol sa umuugong na usap-usapang kasal ng Kapuso star na si Bea Alonzo sa negosyante at bilyonaryong fiancé nitong si Vincent Co.

Sa isang panayam matapos ang press conference ng pelikula nilang “Drug War: A Conspiracy of Silence” noong Huwebes, Mayo 7, sinabi ni Ian na makailang beses umano silang nagkita ni Bea.

“Nagkita kami accidentally, a few times. Hinuhug ko lang. [Sabi ko,] ‘I'm so happy for you— congratulations.’ She seemed very, very happy. Marami siyang utang na kuwento,” lahad ni Ian.

Dagdag pa niya, “Hindi pa kami tumatambay and nagkukuwentuhan nang mahaba. Gusto kong makilala si Vincent. He must be a really nice guy for him to fall in love.”

Ayon din sa aktor, tiyak daw na magiging mabuting ina at may-bahay si Bea.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“I am sure of it. I am really happy for both of them,” aniya.

Samantala, hindi naman napigilan ni Ian na sumundot ng biro.

Sabi niya, “Matagal na kaming magkaibigan.  Alam niya mahal ko siya. Hindi ko alam kung imbitahin ako, sana.”

Matatandaang minsan nang nagkasama sina Bea at Ian sa hit teleserye ng ABS-CBN na “A Love To Last” na umere noong 2017.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na detalye sina Bea at Vincent tungkol sa kasal nila maliban sa kanilang  marriage banns na lumutang noong Marso.

Maki-Balita: Bea Alonzo, tikom ang bibig sa kasal nila ni Vincent Co