May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Sundalong pinagyosi rebulto ni 'Mama Mary,' buminggo!

Sundalong pinagyosi rebulto ni 'Mama Mary,' buminggo!
Photo courtesy: Israel Genocide Tracker (X)

Nahaharap sa disciplinary action ang isang sundalong Israeli matapos maging usap-usapan sa internet ang larawan niya habang nilalagyan ng sigarilyo ang rebulto ni Virgin Mary.

Ayon sa mga ulat, ilang linggo na raw nakuhanan ang nasabing larawan ngunit noon lamang Miyerkules Mayo 6, 2026 nang maglabasan ito sa social media.

Sinasabing kuha ang larawan mula sa Debel, isang probinsya sa Lebanon kung saan talamak ang mga Kristiyano.

Makikita sa nasabing larawan ang pag-akbay ng sundalo sa rebulto at isinusubo ang yosi sa bibig nito, habang isang sigarilyo naman ang nakasubo rin sa bibig ng nasabing sundalo.

Kinondena na ng Israel Defense Forces (IDF) ang nasabing larawan at tukoy na raw nila ang sundalong anila'y nambastos sa paniniwala ng mga Kristiyano.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Anang IDF, hindi raw nila palalampasin ang insidente na malinaw na hindi sumasalamin sa ipinaglalaban ng kanilang tropa.

Samantala, napag-alamang isang sundalo pa ang pumukaw sa mga deboto sa Debel matapos kumalat ang video nito na hinahataw ang rebulto naman ni Hesus.

Mula sa naturang insidente sa rebulto ni Hesus, dalawang sundalo ang tinanggal ng IDF sa combat duty at pinatawan ng 30 days military detention.

Habang kamakailan lang nang mag-viral din ang isa namang lalaking Israeli na nang atake ng madreng naglalakad lang sa Jerusalem.

Ayon sa mga ulat, patuloy umano ang paglala ng mga insidenteng nanggigipit sa Christian communities sa Middle East.