One Direction Performs On NBC's

LONDON (Reuters) – Ang dating miyembro ng One Direction na si Zayn Malik ang kasalukuyang kinikilala bilang 2016 fastest-selling solo artist ng British charts nitong Biyernes.

Ang Pillowtalk ni Zayn ay may combined sales na 112,000 at may 4.97 million streams, ayon sa Official Charts Company.

Umalis si Malik sa One Direction noong Marso ng nakaraang taon, makalipas ang limang taong pagsasama bilang matagumpay na boyband na nakilala sa X Factor talent show ng ITV television.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nakalaban ng Pillowtalk ni Malik ang Fast Car ni Jonas Blue sa second spot at ang number one naman noong nakaraang linggo na Stitches ni Shawn Mendes ay pumangatlo.

Si David Bowie ang palaging nangunguna sa album charts simula nang ito’y pumanaw noong Enero at nakuha ang top spot sa loob ng apat na linggo nang maungusan ng Best of Bowiecompilation — orihinal na inilabas noong 2002 — ang kanyang huling album na Blackstar.

Ang pinakahihintay na ikawalong studio album naman ni Rihanna na may pamagat na Anti ay pumasok sa ikapitong puwesto.