Pinalawig ng Department of Education (DepEd) ang deadline sa aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program hanggang sa Pebrero 15, sa halip na sa 12.

Ayon sa DepEd, ito ay para mabigyan ng sapat na panahon ang Grade 10 students na mag-avail ng programa na magkakaloob ng tulong pinansyal para sa pag-aaral sa pribadong paaralan.

Kasabay nito, inanyayahan ng DepEd ang mga hindi nakahabol sa early registration na magpatala na upang mapasama sa listahan ng mga papasok sa Hunyo.

Ipinaalaala rin ng kagawaran ang “No Pay” policy, na hindi obligadong magbayad ang mga estudyante sa kanilang pagpapatala. (Mac Cabreros)

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'