Hindi mawawalan ng trabaho ang mga Pilipinong engineer at architect sa Qatar.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Patricia Licuanan, nagbunga ng maganda ang pagpupulong nila, kasama sina Professional Regulation Commission Acting Chairperson Angeline T. Chua Chiaco at Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo C. Santos, sa Qatari officials kabilang si Mohd A. Alhamadi ng Minister of Education and Higher Education, mga miyembro ng Supreme Education Council, at ng Urban Planning and Development Authority (UPDA).

Binanggit ni Licuanan na tatanggapin ng UPDA ang aplikasyon ng mga Pinoy na nagtapos sa mga kolehiyo sa Pilipinas.

Nanganib mawalan ng trabaho ang may 12,000 Pinoy sa Qatar makaraang itakda ng bansa na dapat rehistrado sa UPDA ang mga engineer at architect, at dapat ay nakatapos ng 12-taong basic education. (Mac Cabreros)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'