Babaklasin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng campaign materials na nakalagay sa non-designated areas ng Commission on Elections (Comelec) sa Metro Manila, simula sa Lunes.

Kinumpirma ni MMDA Chairman Emerson Carlos nitong Huwebes ang kanilang tungkulin sa paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Comelec at Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang magkakasangga sa operasyon na tinatawag na “Oplan Baklas”.

Binibigyan ng MOA ng awtorisasyon ang MMDA at DPWH na tanggalin ang lahat ng illegal campaign materials at isulong ang eco-friendly elections.

Sinabi ni Carlos na ang tanging tungkulin ng MMDA ay baklasin ang mga poster, at iulat ito sa Comelec, na siya nang bahala sa pagpaparusa at pagpapanagot sa mga taong nagpaskil ng mga materyales o sa mga kandidato.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

“We will remove posters placed on ‘candidate-bearing’ trees, light posts and traffic signals which are being covered by the candidates’ campaign materials,” pahayag ni Carlos.

Ang mga basurang makokolekta ng kampanya ay ire-recycle ng MMDA para makagawa ng mga tent na pakikinabangan pa.

Inaasahan na ang mga hadlang sa kanilang pagganap sa tungkulin, hiniling ni Carlos sa Comelec na magkaloob ng isang kinatawan na sasama sa operasyon upang mabawasan ang kanilang trabaho at makontrol ang operasyon.

“Our people are very subjective to influence and harassment. So, I told the Comelec that it would be better if they will have a representative during our operation,” paliwanag niya.

Magkakaroon ang MMDA ng 12 grupo na binubuo ng 10 opisyal at isang kinatawan mula sa Comelec o sa Philippine National Police (PNP).

Ang Oplan Baklas ay tatakbo mula Pebrero 9 hanggang sa eleksiyon sa Mayo 9.

Magsisimula ang kampanya para sa pambansang posisyon sa Pebrero 9 habang ang mga lokal na kandidato ay raratsada sa kampanya simula Marso 26. (PNA)