JENNYLYN copy

BALITANG gagawa ng pelikula sa Star Cinema si Jennylyn Mercado at kung totoong si John Lloyd Cruz ang kanyang makakapareha, tiyak na malaking pelikula ang gagawin nila.

Mas uminit pa ang isyu na ang kontrobersiyal na box office director na si Cathy Garcia-Molina ang sinasabing magiging director sa naturang pelikula.

Wala pang masyadong detalye sa magiging unang movie ni Jennylyn sa Star Cinema at una ring pagtatambal nila ni John Lloyd, pero siguro naman, early this year ang playdate nito. Walang ibang project na nababalita for John Lloyd at si Jennylyn, hindi muna tinanggap ang movie na muli sana nilang pagtatambalan ni Derek Ramsay.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

So, after Derek Ramsay, Sam Milby and Jericho Rosales, si John Lloyd naman ang makakapareha ni Jennylyn sa Kapamilya actors. Si Piolo Pascual o kaya’y si Coco Martin na kaya ang kasunod?

Lalo pang magiging malaking isyu ang paggawa ng pelikula ni Jennylyn sa Star Cinema dahil may posibilidad na magkrus ang landas nila ni Luis Manzano lalo na sa promo ng pelikula. Malay din at magkita sina Jennylyn at Angel Locsin.

Dahil din sa Jennylyn at John Lloyd movie, hindi maiiwasang mabuhay uli ang isa pang isyu kay Jennylyn at ito ay ang sinasabing napipintong pag-alis niya sa GMA Network para lumipat sa ABS-CBN. (NITZ MIRALLES)