Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang tindahan sa SM Mall of Asia (MOA) sa Pasay City dahil sa kawalan o hindi kumpletong warning label sa ibinebentang hoverboard.

Agad nagbigay ng notice of violation ang DTI Fair Trade Enforcement Bureau nang walang makitang etiketa na nagpapaalala sa hoverboard consumers na hindi ito laruan at nangangailangan ng superbisyon ng matatanda, inirerekomenda sa edad 14 pataas, maaari lamang gamitin sa loob ng bahay at dapat magsuot ng protective gear, at mag-ingat sa pag-charge sa baterya nito.

Nilinaw ng DTI na dapat maayos na nakalagay sa kahon ang address ng hoverboard distributors.

Kabilang sa mga tindahang nakitaan ng paglabag sa alituntunin ng DTI ang Toy Kingdom at CD-R King. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji