ANGEL copy

TIYAK na ikinatuwa ng fans nina Luis Mazano at Angel Locsin ang pahayag ni Angel na, “We have not broken up yet,” kabaligtaran sa naglabasang break na sila a few days pagkabalik nila from their vacation abroad.

“We’re fixing it and I’m hoping it will be fixed,” sagot daw ni Angel nang tanungin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Luis.

Hindi na binanggit ni Angel kung ano ang naging problema nila, basta inaayos nila. Nabanggit din niya na kahit may pinagdadaanan silang problema, nananatili ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya lang, napansin namin na mas malaking isyu sa fans ni Angel kung hindi sa kanya ibibigay ang Darna kesa break-up nila ni Luis. Patuloy ang pangangalampag ng kanyang fans sa Star Cinema at kay Direk Erik Matti na hintaying gumaling siya at huwag ibigay sa ibang aktres ang Darna.

May isang fan pa nga na sinagot ni Angel sa Instagrm dahil hindi pinalampas ang birthday ni Malou Santos para iapela na kay Angel pa rin ibigay ang Darna.

Si Angel ang nahiya para sa fan niya, kaya nag-post siya ng, “Birthday ng boss namin ngayon. Ayokong isipin niya na hindi natin siya iginagalang.”

Parang hindi pa alam ng fans ni Angel ang tsikang sa kanya pa rin ibibigay ang Darna, siya pa rin ang lilipad sa pelikula ng Star Cinema, kaya wala na silang dapat ipag-alala. (NITZ MIRALLES)