Nasagip ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang anim na kababaihan na umano’y ibinubugaw sa “sex party” ng mga foreigner, sa isinagawang entrapment operation sa Malate, Manila, noong Martes ng gabi.

Ayon sa MPD Women and Children’s Protection Center (WCPC), isinagawa ang operasyon sa mga biktima ng sex trade sa Roxas Blvd., dakong 6:45 nitong Martes ng gabi.

Tatlong pinaghihinalaang bugaw ang naaresto ng pulisya at ang mga ito ay sina Sonny Febra Jr., 42, at Marilou Palacio, 39, kapwa residente ng Pasay City; at Rich Ortega, 24, ng Malate.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang MPD na may mga ibinubugaw na dalagita sa naturang lugar, dahilan upang sila ay maglunsad ng surveillance operation laban sa tatlong suspek.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

At nang iabot ng police agent ang P25,000 marked money sa tatlong suspek, agad na pinagdadampot ang mga ito kasabay ng pagsagip sa mga dalagita na kanilang inilalako sa mga turista na magdaraos ng “sex party”.

(Argyll Cyrus B. Geducos)