Vanessa at kanyang ama copy

INIWAN na si Vanessa Hudgens ng kanyang ama na si Greg Hudgens nitong Sabado matapos makipaglaban sa cancer. Siya ay 65.

Isiniwalat ng 27 taong gulang na aktres ang malungkot na balita sa kanyang Twitter account ilang oras bago umere ang Grease: Live! Sa Fox dakong 7:00 ng gabi sa ET nitong Linggo.

“I am so sad to say that last night my daddy, Greg passed away fromstage 4 cancer,” pahayag niya sa Twitter, na ini-retweet ng kanyang nakababatang kapatid na si Stella Hudgens. “Thank you to everyone who kept him in your prayers.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa kabila ng malungkot na balita, plano pa rin ni Vanessa na ipagpatuloy ang kanyang pagganap sa musical, sinabing iaalay niya ang kanyang performance bilang Rizzo sa kanyang pumanaw na ama.

“Tonight, I do the show in his honor,” patuloy ni Vanessa.

Ibinahagi ni Vanessa ang litrato nila ng kanyang ama sa Instagram noong Hulyo, at nakiusap sa kanyang mga kaibigan at tagahanga na “pray for his healing.”

Noong Agosto ng nakaraang taon, isiniwalat ni Vanessa na si Greg ay may cancer nang tanggapin niya ang parangal para sa kanyang Breakthrough Performer sa Industry Dance Awards sa Los Angeles. Lumabas ang balita halos isang taon matapos mamatay ang ina ng kanyang nobyo na si Austin Butler.

“Let me tell you, I hate cancer. I hate cancer with every cell of my being,” pagbabahagi ni Vanessa habang nasa entablado at tinatanggap ang parangal. “This award, it means a lot to me but I dedicate it to my boyfriend’s mom, Lori, my dad, and to all the families out there who are struggling with this, because it really takes a strong person and a strong family to be able to help those out who are going through this.” (ET Online)