CAMP DIEGO SILANG, La Union – Kusang sumuko sa gobyerno ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA), at iprinisinta siya sa media ni La Union Police Provincial Office director, Senior Supt. Angelito Dumangeng, kahapon.

Kinilala ni Dumangeng ang sumukong rebelde na si Manuel Arpid, alyas Ka Manuel, ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Dumangeng, si Arpid ay political affairs officer ng lokal na sangay ng NPA na kumikilos sa Ilocos at Cordillera regions.

Isinuko rin ni Arpid ang kanyang M-14 armalite rifle. (Erwin G. Beleo)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman