Si Korina kasama ang kanyang 'Rated K' staff copy

ENJOY na enjoy ang topnotch broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa katatapos lamang na taunang planning sessions para sa kanyang top-rating at award-winning na programang Rated K sa Baguio City kasama ang kanyang staff at crew.

Ilang araw silang namalagi sa Baguio upang planuhin ang iba’t ibang konsepto para sa Rated K. Siyempre, pagkatapos ng planning session, siniguro ng misis ni Mar Roxas na mayroong silang pagkakataon upang mag-bonding at ipagdiwang ang walang tigil na pag-arriba ng Rated K sa ratings sa loob ng mahigit sampung taon sa ere.

Ito ang sekreto sa likod ng tagumpay ng Rated K – sila ay isang buong pamilya na nagkakaisa sa iisang layunin: ang magbigay ng kakaiba at kamangha-manghang mga istorya para sa mga Pilipino bawat Linggo ng gabi.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kilala si Korina sa broadcast industry bilang no nonsense na perfectionist ngunit iilan lamang ang nakakalam ng kanyang lighter side. Karamihan sa kanyang staff at crew sa Rated K ay nagsimulang magtrabaho sa ilalim ni Korina simula pa noong dekada 90 sa namayagpag din sa ereng Balitang K.

Napakahalaga para kay Korina ng taunang planning sessions ng Rated K dahil isa ito sa iilang pagkakataon na tuwiran niyang kasama ang kanyang mga katrabaho upang gumawa ng creative strategies at makipag-bonding na rin.

“Nag-mature at nag-grow na kami na kasama ang bawat isa,” sabi ni Korina. “Madami na kaming pinagdaanan at magkakasama kami sa hirap at ginhawa. Kaya naman pagkatapos ng planning, sinisiguro ko talaga na mayroon kaming konting kasiyahan at salu-salo. Ito ang paraan ko upang pasalamatan sila sa kanilang hard work at dedication sa aming show.”

Matatandaan na nagwagi ang Rated K sa katatapos lamang na PMPC Star Awards For TV at nanalo rin si Koring bilang Best Magazine Show Host.

Samantala, kaabang-abang ang espesyal na episode ng Rated K ngayong gabi na pinamagatang “Grabe Siya, Oh!” Hango ang episode title na ito sa pinakabagong expression na pinasikat ni Vice Ganda at ipapakita ang iba’t ibang kakaibang koleksiyon ng celebrities, mga lugar na grabe sa ganda, mga bahay na sadyang kakaiba, at ang istorya ng tagumpay ng reyna ng lumpia ng Cebu.

Napapanood ang Rated K sa ABS-CBN pagkatapos ng Wansapanatym at bago mag-Pilipinas Got Talent. (ADOR SALUTA)