Enero 31, 1950 nang ihayag ni noon ay United States (US) President Harry Truman na susuportahan niya ang paggawa ng hydrogen bomb, na mas matindi at mapaminsala kaysa atomic bomb.

Ang Soviet Union ang dominanteng bansa sa teknolohiyang nukleyar, at pinasabog nito ang isang atomic bomb sa test area ng Kazakhstan. Nadiskubre ng US at British intelligence agents na isang US nuclear scientist ang nagsilbing espiya para sa Soviet Union.

Inihandog ng Amerika ang unang hydrogen bomb sa mundo na tinawag na “Mike,” na may lakas na 10.4 megatons at gumamit ng radiation implosion, sa Pacific Marshall Islands noong Nobyembre 1952. Ang pagsabog ay naging dahilan ng paglalaho ng isang isla.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo