Blac copy

INARESTO nitong nakaraang Biyernes si Blac Chyna dahil sa kalasingan at pagiging agresibo habang bumibiyahe patungong London, ayon sa ulat ng TMZ.

Si Chyna ay dinakip sa Austin-Bergstrom International Airport nitong Biyernes ng hapon. Ayon sa deklarasyon ng mga pulis sa TMZ, si Chyna ay bibiyahe patungong London nang magsimulang mag-ingay, naging makulit at nagwala. Siya ay pumasok sa gate, sumakay sa eroplano at sinigawan ang isang flight attendant ng, “Nasty a** b***h!”

Sapat na iyon para sa mga pulis upang pasukin ang eroplano at agad-agarang arestuhin si Chyna.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi sa TMZ ng mga nakasaksi sa pangyayari na si Chyna ay namataang “heavily intoxicated” at “fighting” sa isang flight attendant, na tila “like a drunken fool.”Ayon sa iba pang saksi, sumigaw din si Chyna ng, “Y’all got no respect for me. I gotta tie my shoes. Let me tie my Yeezys.”

Pinosasan si Chyna at nagngangangawa habang inaaresto ng mga pulis, ayon pa sa isang saksi.

Kasalukuyang nakakulong si Chyna habang sinusulat ang balitang ito. Siya ay ipiniit dahil sa public intoxication.

(Yahoo News/Celebrity)