Patay ang isang 17-anyos na school drop-out makaraan siyang pagbabarilin ng isang suspek na sakay ng motorsiklo, sa harap ng kanyang mga kaibigan, sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Exekiel Lusania, residente ng Barangay 186, Tala, Caloocan City.

Lumitaw sa imbestigasyon na nagkikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa tapat ng isang convenience story sa Bgy. 180 nang biglang dumating ang suspek sakay ng isang motorsiklo, dakong 9:30 ng gabi.

Nakasuot pa ng helmet, bumaba ang gunman sa kanyang motorsiklo at lumapit kay Lusania saka pinagbabaril ito nang malapitan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dead on the spot ang biktima dahil sa tinamo nitong tama ng bala sa leeg, kanang balikat at dibdib, ayon sa pulisya.

Nakarekober din ang mga imbestigador ng tatlong basyo ng .45 caliber pistol sa crime scene.

Samantala, sinabi ng mga magulang ni Lusania na wala silang alam na nakaalitan ang kanilang anak upang ito ay patayin. (Jel Santos)